NATUWA | Malacañang – nagpasalamat sa pag-apruba ng Kamara at Senado sa pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Malacañang ang pag-apruba ng Kamara at Senado sa isang taon pang pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – ang pag-apruba ng dalawang kapulungan ng kongreso ay patunay na nakikiisa ang mga ito sa hangarin ng administrasyon na mapangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga taga-Mindanao.

Makakaasa aniya ang publiko na mas mapapalakas ng administrasyon ang paglaban sa rebelyon at patuloy na itataguyod ang pangkalahatang seguridad sa rehiyon.


Tiniyak din ni Panelo na mapo-protektahan ang karapatang pantao at susunod sa batas ang mga security forces ng pamahalaan kasabay ng pag-iral ng batas militar.

Facebook Comments