NATUWA | OSG, nalugod sa desisyon ng Supreme Court Justices sa Sereno quo warranto case

Manila, Philippines – Ikinalugod ng Office of the Solicitor General ang naging resulta ng botohan ng Supreme Court justices sa quo warranto case ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Solicitor General Jose Calida, dahil sa pagkakasibak kay Sereno, napanatili ng Korte Suprema ang katatagan at integridad ng hudikatura.

patunay din aniya ito na tinutupad ng mga mahistrado ang kanilang sinumpaan na panaigin ang rule of law.


Kaugnay nito, umapela si Calida sa mga Pilipino na ipagpatuloy ang paglaban sa sino mang nagtatangkang sumira sa katatagan at integridad hindi lamang ng hudiktura, kundi maging ng pamahalaan

Facebook Comments