NAUDLOT | Pagpapatupad ng provincial buses ban sa Edsa tuwing rush hour, hindi natuloy

Manila, Philippines – Naudlot ang pagpapatupad ng pagbabawal na dumaan ng mga provincial buses sa Edsa mula Pasay hanggang Quezon City tuwing rush hours.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, hindi pa handa para rito ang lungsod ng Valenzuela na siyang sasalo sa halos 300 mga bus na manggagaling sa Bulacan, Bataan at Pampanga.

Sa nasabing polisiya, bawal nang dumaan sa Edsa ang mga provincial bus sa Edsa tuwing rush hours, mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-6:00 hanggang alas-9:00 ng gabi.


Ang mga manggagaling na bus mula sa norte ay hanggang Edsa-Cubao lamang maaaring magsakay at magbaba ng kanilang pasahero.

Habang ang mga galing sa katimugang Luzon ay hanggang sa Edsa-Pasay City.

Facebook Comments