Nauusong hijack profile scam, ibinabala ng pnp

Nakapagtala ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ng 178 na kaso ng hijack profile scam mula Nobyembre 2023 hanggang Pebrero 2024.

Ayon kay ACG Director Police Major General Sydney Sultan Hernia, 89 na kaso ang iniulat sa buwan lamang ng Pebrero na indikasyon na nauuso ang ganitong uri ng krimen.

Sa nasabing modus, napapasok ng mga kriminal ang social media account ng mga biktima at ginagamit ito para manghingi ng pinansyal na tulong sa mga kaibigan ng biktima.


Ginagamit din ng mga scammer ang iba’t ibang paraan para ma-access ang social media account ng mga biktima, kabilang ang phishing, hacking, o social engineering techniques na paglabag sa probisyon ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, laban sa Illegal device Access, Computer related fraud, at computer related identity theft.

Kaya payo ng pulisya sa publiko na huwag basta-basta mag-download ng mga attachment o mag-click ng mga link at agad na ipaalam sa service provider kung may hinala na na-hack na ang kanilang social media account.

Facebook Comments