Naval Defense Command, tumulong sa paghahatid ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo

Nagpadala ang Naval Defense Command ng kanilang mga tauhan upang tumulong sa repacking ng mga relief goods.

Bahagi ito ng nagpapatuloy na humanitarian response para sa mga komunidad na matinding naapektuhan ng habagat at ng mga bagyong Dante at Emong, na nagdulot ng malawakang pagbaha at paglikas sa ilang bahagi ng bansa.

Sa ilalim ng Naval Task Group – NCR, nakipagtulungan ang Naval Defense Command sa iba pang unit ng Armed Forces of the Philippines (AFP), upang masigurong maayos at mabilis na maproseso ang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, hygiene kits, at iba pang gamit para agad na maipadala asa mga lugar na labis na nasalanta.

Hindi lang dagdag-puwersa ang dala ng kanilang presensya kundi pagpapakita ng dedikasyon ng Armed Forces sa nation-building at serbisyo publiko maliban sa kanilang tungkulin sa depensa ng bayan.

Facebook Comments