Nagtungo si Defense Secretary Gilbert Teodoro sa Casiguran, Aurora upang inspeksyunin ang detachment ng Naval Installations and Facilities sa Northern Luzon.
Itinayo ang naturang detachment sa kooperasyon ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority na layong mapalakas ang presensya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa bisinidad ng Philippine Rise, alinsunod sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC).
Nakipagpulong din siya kay APECO Board of Director Maria Cristina Suaverdez kasama ang iba pang opisyal ng Naval Installations and Facilities sa Northern Luzon at binigyang diin sa mga ito na ang Pilipinas ang siyang dapat na may kontrol sa likas na yaman sa Philippine Rise.
Maliban dito, binisita rin ng kalihim ang Philippine Ports Authority Terminal Management Office at kinumusta ang mga kawani at opisyal nito.