Naka alerto na ang Disaster Response and Rescue Teams ng Naval Forces Northern Luzon sa pamamagitan ng kanilang Joint Task Group 14, SAGIP.
Kasunod parin ito nang inaasahang epekto ng Super Typhoon Betty na posibleng makaapekto sa Region I, II, at III.
Ayon kay Capt. Norman Mutia Acting Commander ng Naval Forces Northern Luzon at Commander, JTG14 SAGIP, nagpakalat na sila ng mga tauhan sa La Union, Cagayan, Babuyan Group of Islands at sa Batanes.
Aniya ang mga ito ay may dala-dalang disaster response equipment tulad ng essential land-based equipment M35 at KM450 trucks, rubber boats, generators, cutting tools, at life-saving equipment.
Maliban dito, tiniyak din ni Capt. Mutia na handa anumang oras ang kanilang surface at air assets para tumugon sa search and rescue operations.
Kasunod nito nangako rin ang Philippine Navy na susuportahan ang mga maaapektuhang Local Government Units (LGUs) para sa pagsasagawa ng Humanitarian and Disaster Relief (HADR) operations.