Nagpakalat na ang Naval Forces Southern Luzon ng mga Search Rescue and Retrieval Teams para tumulong sa paglilikas ng mga residente sa Albay na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Ang mga ito ang syang naglikas sa 3,878 pamilya mula sa 21 apektadong barangay sa Albay patungo sa 22 evacuation centers.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang pakikipagtulungan ng Naval Forces Southern Luzon sa mga lokal na pamahalaan ng Albay at mga volunteers mula sa Non-Government Organizations para sa transportasyon ng mga residente at kanilang mga kagamitan.
Kasunod nito, tiniyak ng Naval Forces Southern Luzon na handa ang lahat ng kanilang sea assets kung sakaling kailanganin na i-transport sa pamamgitan ng karagatan ang mga evacuees at mga relief supplies.
Facebook Comments