Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nasa critical risk classification na ang Navotas at Pateros
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ito ay dahil sa mataas na 2-week growth rate at average daily attack rate sa nasabing mga lugar
Bukod dito, nasa 100% ang COVID bed utilization ng Navotas habang ang Pateros ay 100% na rin ang occupancy sa Intensive Care Unit (ICU).
Bukod sa Navotas at Pateros, 9 na lugar pa sa Metro Manila na nasa High Risk Classification ang nasa mahigit 70 percent ang Health Care Utilization Rate (HCUR).
Ang District 2 at District 4 ang High Risk Level at tinututukan ngayon sa pangangailangang medikal ng COVID-19 patients.
Facebook Comments