Navotas chief of police, pinasisibak ng PNP-IAS dahil sa Jemboy case

Inatasan ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-AIS) si NCRPO Director PBGen. Melencio Nartatez na i-relieve na sa puwesto si Navotas City Chief-of-Police Col. Alan Umipig kaugnay sa kaso ng pagkakapaslang ng kanyang mga tauhan kay Jemboy Baltazar na biktima ng mistaken identity sa Navotas City.

Ayon kay PNP-IAS Inspector General Alfegar Triambulo, nadiskubre sa kanilang imbestigasyon na inutusan ni Umipig ang team leader na tanggalin sa kanilang report ang 11 pulis na kasama din sa operasyon.

Dahil dito, pinakakasuhan ni Triambulo si Umipig ng dishonesty at command responsibility.


Bukod kay Umipig, pinasasampahan din ng PNP-IAS ng kasong administratibo ang naturang 11 pulis dahil sa pag-abandona sa biktima na malinaw na paglabag sa police operational procedure.

Paglilinaw ng IAS, hiwalay pa ito sa anim na pulis na una nang nakasuhan sa insidente.

Samantala, nasa summary dismissal stage na ang kasong grave misconduct na una nang isinampa laban sa anim na pulis.

Facebook Comments