Umapela ang Lokal na Pamahalaan ng Navotas City sa mga kababayang balikbayan na mahigpit na sumunod sa protocols at mga travel requirements bilang pagiingat sa pinangangambahan ngayong COVID-19 Delta variant.
Aminado si City Health Officer Dra. Christina Padolina na hindi kakayanin ng lungsod na magkaroon ng surge ng COVID-19 lalo na ng pinag-uusapan ngayong Delta variant.
Paliwanag pa ni Padolina, walang tertiary hospital sa lungsod kaya naman malaking problema kapag nakapasok ang nasabing variant.
Bukod aniya sa mabilis makahawa ay mangangailangan ng oxygen ang mga magkakasakit nito.
Aniya, ang Delta variant ay ang kumalat sa India noong Abril kung saan umaabot sa mahigit 3,000 kada araw ang nagkakasakit.
Ang kaibahan aniya nito sa United States, United Kingdom at South African variants ay 60% na mas transmissible indoors at 40% na mas transmissible outdoors.