Navotas City, nakapagtala ng 13 bagong kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19

18

Nakapagtala ng karagdagang 13 bagong kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 sa Navotas City.

Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, nasa 416 na ang active cases ng COVID-19 sa lungsod.


Mula sa mga bagong kaso, isa ay binawian na ng buhay kung saan may kabuuang 331 ang bilang ng mga pumanaw.

Umabot na sa 9,827 ang nakarekober matapos may 22 na bagong gumaling at kapiling na ng kanilang pamilya.

Facebook Comments