Navotas City PNP, itinanggi ang alegasyon na nakalabas ng kulungan ang mga pulis na sangkot sa pagpatay sa 17-anyos na binatilyo

Itinanggi ng pamunuan ng Navotas City Police Station ang mga alegasyon na nakalabas ng kulungan ang anim na pulis na sangkot sa pagkamatay ng isang 17-anyos na binatilyo dahil sa insidente ng ‘mistaken identity’.

Kaugnay nito, mismong pamilya ng biktima ang dinala sa tanggapan ng Navotas Police Station para mawala ang agam-agam nila na wala raw sa presinto ang anim na suspek na pulis.

Ayon kay Col. Allan Umipig, ang Hepe ng Navotas PNP, ang kapatid at ilang miyembro ng pamilya ni Jemboy Baltazar ang nagpunta sa kanilang himpilan para makita na nakakulong na ang mga suspek.


Sinabi ni Umipig, may mga alegasyon daw kasing lumalabas na pinakawalan ang mga ito.

Kaya’t dahil dito, nagpasaya ang opsiyal na mismong mga kapamilya ng biktima ang makapagpatunay tungkol dito.

Aniya, ilang oras matapos ang insidente ay naiharap agad sa piskalya ang anim nitong mga tauhan na nahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

Pagtitiyak naman ni Umipig, walang pagtatakpan ang pulisya sa kaso at sisiguraduhin na makakamit ng pamilya ng biktima ang hustisya.

Facebook Comments