Navotas City, tatangkilikin na rin ang paggamit ng e-trike

Navotas City – Bilang bahagi ng hakbang ng lokal na pamahalaan ng Navotas na bawasan ang polusyon sa lungsod, nakatakda nang isamoderno ang mga pumapasadang tricycle sa lungsod.

Ayon kay Irish Cubillan, PIO ng lungsod, ang e-trike ay isa sa mga nakikita nilang angkop na tugon sa isyu ng polusyon sa hangin sa lungsod.

Ang nasabing e-trike ay huhulugan ng mga miyembro ng United Federation of Tricycle Operators and Drivers Association (FENTODA) buwan – buwan sa loob ng 3 taon at matapos nito ay magiging pag-aari na ng mga drivers ang e-trike.


Nitong nakaraang lingo, lumagda na sa Memorandum of Agreement ang Navotas City Government, FENTODA at Global Mobility Service Philippines Inc. kung saan isa sa mga nakasaad sa kasunduan ay ng ang pagtutulungan ng mga nabanggit na organisasyon para sa pagpapatupad ng Philippine Clean Air Act of 1999.

Facebook Comments