Navotas, hindi maniningil ng multa sa mga bayarin at buwis

Hindi maniningil ng penalty ang lokal na pamahalaan ng Navotas mula sa mga late na bayarin at pagbabayad ng buwis.

Ito ang nilalaman ng pinirmahang City Ordinance No. 2021-51 ni Mayor Toby Tiangco.

Nagtakda ng waiver o hindi pagsingil sa interes, penalty o surcharge ng ilang mga buwis at bayarin ang Navotas na layong matulungan kahit paano ang mga negosyante at mabawasan ang kanilang alalahanin.


Batid ng alkalde na maraming negosyo ang naapektuhan ng restrictions bunsod ng ipinatupad na community quarantine.

Sakop ng ordinansa ang lahat nang buwis at mga bayaring may due ng Agosto hanggang Oktobre 31, 2021.

Facebook Comments