Navotas LGU, humihiling ng kooperasyon sa mga residente kaugnay sa pagpapatigil sa operasyon ng PhilEco

Navotas – Kasunod ng pagsususpinde ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa operasyon ng Philippine Ecology System Corp (PhilEco) sa pangungulekta ng basura sa Metro Manila bago itapon sa sanitary landfill sa Tanza, nakiiusap ngayon ang Navotas LGU ng pang-unawa at kooperasyon sa mga residente nito.

Sa abiso na inilabas ng Navotas LGU, pinaalalahanan nito ang publiko na huwag magtapon ng basura kung saan-saan.

Ugaliin pa rin anila ang paghihiwalay ng nabubulok sa hindi nabubulok na mga basura, lalo na ang pagri-recycle.


Matatandaang ipinatigil ng DENR ang operasyon ng PhilEco matapos kakitaan ito ng paglabag, gaya ng pagkaroon ng tagas sa naturang garbage transfer facility, dahilan kung bakit dumidirecho sa Manila Bay ang discharge ng mga basura.

Facebook Comments