Navotas LGU, may papremyo para sa iniidolong teacher

23

Bibigyan ng pagkilala ng Lokal na Pamahalaan ng Navotas ang mga dakilang guro.

Ito ay sa pamamagitan ng Navotas Teachers’ Day Promo na kaugnay sa selebrasyon ng araw ng mga guro.

Sa ilalim ng programa ay inaanyayahan ng Navotas LGU ang mga mag-aaral na i-tag ang kanilang iniidolong teacher na nagtuturo sa Navotas at ikwento kung bakit siya ay karapat-dapat manalo.


Isang teacher sa bawat school sa buong Navotas ang mananalo ng P1,000 each.

P500 ang mapapanalunan ng magno-nominate na estudyante sa mapipiling teachers.

Hanggang December 13 lang maaaring magpadala ng entries.



Umaasa si Navotas Mayor Toby Tiangco na sa nabanggit na simpleng kasiyahan ay maipadadama sa mga mahal na guro, ang pasasalamat, pagpapahalaga at paghanga sa kanilang paghubog sa kaisipan at kamalayan ng kabataang Navoteño.

Facebook Comments