Navotas-LGU, nag-abiso sa paglilipat ng venue para sa COVID-19 vaccination activities

51

Nag-abiso ang Navotas City Local Government Unit (LGU) na inilipat na ang venue o lugar kung saan isinasagawa ang vaccination ng COVID-19.

Mula sa Kaunlaran High School ay inilipat na ang venue sa Kaunlaran Health Center.

Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan.


Nakalagay rin sa abiso na kasalukuyang walang stock ng AstraZeneca vaccine sa nasabing vaccination site.

Samantala, sa pinakahuling tala ng City Health Office ng Navotas, nasa mahigit 221,000 na ang nakatanggap ng unang dose ng COVID-19 vaccine habang mahigit 220,000 naman sa ikalawang dose ng bakuna.

Umabot naman sa mahigit 63,000 ang nabigyan ng unang booster shot, at halos 5,000 ang nakatanggap na ng ikalawang booster shot.



Facebook Comments