Navotas LGU, namigay na ng graduation incentive sa mga mag-aaral sa Navotas

Nagsimula nang mamigay ng graduation incentives ang lokal na pamahalaan ng Navotas sa mga estudyante na nagtapos sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ngayong taon.

 

Ayon sa Navotas LGU, partikular na binibigyan ng insentibo ang mga mag-aaral ng Grade 6 at 12.

 

Alinsunod sa umiiral na ordinansa, ang elementary school graduates ay makatatanggap ng ₱500 at ang senior high school graduates naman ay ₱1,000.


 

Hanggang bukas ang pamamahagi nito at pinayuhan ang mga mag-aaral na alamin ang schedule ng distribusyon.

 

Nabatid na nagsimula ang pamimigay ng cash incentives para sa mga nagsipagtapos na estudyante noong 2019, alinsunod sa City Ordinance 2019-3.

Facebook Comments