Navotas LGU, pinag-aaralan na ang posibleng pagsasampa ng kaso laban sa Magsimpan Ice Plant kasunod ng ammonia gas leak incident

Pag-aaralan ng Navotas City Government ang posibleng pagsampa ng kaso laban sa Magsimpan Ice Plant kasunod ng naitalang Ammonia gas leak kaninang madaling araw.

Sinabi ni Navotas City Disaster Risk Reduction and Management Office Chief Vonne Villanueva sa panayam ng RMN Manila na titignan ng Local Government Unit kung may nailabag na patakaran o nagkaroon ng kapabayaan sa naturang planta.

Ngayong araw ay iisyuhan ng closure notice ng ang Magsimpan Ice Plant kasabay ang pag-inspeksyon sa estabilisiyimento.


Ayon kay Villanueva, under control na ang sitwasyon at nasa normal na rin ang kalidad ng hangin sa paligid ng planta.

Sa ngayon ay inoobserbahan ang 15 pasyente na sinugod sa Navotas City Hospital matapos makalanghap ng ammonia habang iniimbestigahan na rin kung may kinalaman sa gas leak ang pagkamatay ng isang indibidwal.

Ito na ang ikatlong beses na nagkaroon ng ammonia gas leak sa Magsimpan Ice Plant.

Facebook Comments