Nagdesisyon ang lokal na pamahalaan ng Navotas na gawing “restricted” ang lungsod para sa mga babyahe na mula sa mga lugar na nasa labas ng NCR Plus.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ginawang “restricted” ang Navotas para maprotektahan ang mamamayan laban sa COVID-19.
Mayroong mga requirements ang mga byahero sa labas ng NCR Plus na papasok ng Navotas na kailangang maisumite.
Una rito, ang health declaration o medical certificate mula sa city o municipal health office ng Local Government Unit (LGU) kung saan manggagaling ang byahero.
Kailangang nakalagay rito na hindi COVID-19 patient, suspected o probable case ang indibidwal.
Kailangan din ng negative result ng RT-PCR test.
Kailangan rin ng sertipikasyon mula sa barangay na pinanggalingan bilang patunay na hindi kasama ang byahero sa listahan ng mga sumailalim sa quarantine o nakakumpleto ng kinakailangang quarantine period.
Panghuli, isusumite rin ang kumpletong address ng destinasyon sa Navotas.
Ang mga requirements na ito ay ipapasa sa s-pass.ph.