Humingi na ng tulong ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy sa paghahanap sa nawawalang abogadong si Atty. Ryan Oliva.
Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, maaaring hanapin ng PCG at Navy divers ang lugar kung saan nakita ang mga gamit ng abogado.
Umaasa pa rin ang NBI Special Action Unit na siyang nangunguna sa search operations na buhay pa si Oliva.
Kung sakaling hindi ay marekober lang sana ang kanyang mga labi.
Ang mga NBI offices sa Batangas at MIMAROPA ay naghahanap na rin sa abogado.
Sa ngayon, nai-turn-over na ng pamilya ni Oliva ang kanyang cellphone para sa forensic examination.
Matatandaang natagpuan ang mga gamit ni Oliva sa Looc, Occidental Mindoro noong November 27.
Facebook Comments