Nagsagawa ng Navy to Navy Talks (NTNT) ang Republic of Korea Navy at Philippine Navy nitong nakalipas na Martes kung saan sa unang pagkakataon ay host mismo ang Philippine Navy.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Lieutenant Commander Christina Roxas, ang NTNT ay ginawa sa pamamagitan ng virtual talks.
Sa panig ng Philippine Navy, pinangunahan ni Assistant Chief of Naval Staff for Operations o N3, Navy Capt. Jempsun De Guzman ang virtual talks habang sa South Korean counterpart ay pinangunahan ito ni Capt. Lee Han Dong, Head ng International Cooperation Branch ng Republic of Korea Navy.
Sinabi ni Roxas, ngayong taon ay nakatutok ang kanilang usapin sa paglaban sa nakakamatay na COVID-19 at pagpapanatiling malakas ng maritime operational capability.
Layunin nang pag-uusap ng dalawang pwersa ng Navy ay para magkaroon pa sila ng oportunidad na ma-explore pa ang technologies sa harap nararanasang COVID-19 pandemic.
Nais din ng dalawang pwersa ng Navy na maging malalim ang kanilang bilateral relationship at diplomatic ties.