Nawala sa Listahan. CSWD Cauayan City, Sinagot ang Reklamo ng SAP Beneficiary

Cauayan City, Isabela – “Qualified ako pero Nawala ang pangalana ko sa listahan” Ito ang buong kumpiyansang inaangkin ng isang solo parent ng Cabaruan, Cauayan City na dumulog sa news team ng 98.5 iFm Cauayan.

Ayon kay Miss Emerald, Quirante, pinapirma siya sa lahat ng forms ng DSWD na natanggap na niya ang ayuda. Laking gulat umano niya nang pagdating sa payroll ay nawala ang kanyang pangalan. Sinabihan umano si Miss Quirante na bumalik nalang kinabukasan para sa re payroll.

Bumalik noong May 2, 2020 si Quirante sa Barangay Cabaruan Hall pero sinabihan siya ng mga taga DSWD na sa 2nd wave nalang siya. Hindi umano ikinonsidera ang hawak ni Quirante na duplicate ng SAP form. Naging palaisipan para sa DSWD kung bakit nawawala ang kanilang kopya at kung paano rin siya nagkaroon ng duplicate. Katwiran nila, sa dami ng palpel at record na hawak ay baka nagka problema sa encoding ng mga pangalan at isa sa mga hindi naisama ay ang pangalan ni Quirante.


Ayon naman kay Mrs. Lolita Menor, CSWD Officer ng Cauayan City, galing sa barangay ang mga master list at soft copy nalang ang ibinibigay sa kanilang tanggapan. Paliwanag pa ng CSWD officer, marami ang unclaimed at atuwal na na disqualify kasama na ang double entry ng mga pangalan. Tatapusin umano nila ang liquidation saka sila magsasagawa ng re payroll.

Dagdag pa ni Mrs. Menor na magsasagawa din sila ng re assessment at revalidation para sa mga nauna nang na disqualify. Sa ngayon, hinihintay na lamang nila na matapos ang liquidation kasama ang city treasure’s office, kung kalian, yun ang hindi nila masasagot.

Sa kabila nito, siniguro ni Menor na ang mga pondo mula sa mga ibinalik at na disqualify ay maibibigay sa mga karapat dapat na benepesaryo.

Facebook Comments