NAWALAN NG PRENO | Dalawang pampasaherong bus, nagsalpukan sa southbound lane ng EDSA

Manila, Philippines – Nasa 32 pasahero ang nagtamo ng mga minor injury matapos na magsalpukan ang dalawang bus sa ilalim ng MRT-3 kamuning station sa southbound lane ng Edsa bandang alas siyete kaninang umaga.

Sa paunang imbestigasyon nagbaba ng pasahero ang VIL500 na may plakang ABE 2876 na biyaheng Nova-Baclaran nang salpukin sa likurang bahagi ng Baclaran Metrolink na may plate number na ACC 8732.

Ayon kay Mark Hugo, driver ng Baclaran Metrolink, nawalan siya ng preno kaya at sumalpok siya sa likurang bahagi ng VIL500.


Batay sa report ng Quezon City Red Cross, dinala sa pinakamalapit na ospital ang mga sugatan.

Dahil sa impact, tumilapon ang mga pasahero dahil sa mga sugatan, nagkalat ang mga dugo sa loob ng bus.

Nagdulot naman ng matinding trapiko sa bahagi ng south boundlane ng Edsa papuntang Timog area.

Facebook Comments