Manila, Philippines – Bumaba ang trust rating ni Vice President Leni Robredo.
Sa pinahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) mula sa very good +52 noong December 2017, naging good +39 na lang ito nitong March 2018.
Sa kabila nito, 58% pa rin ng mga Pinoy ang may malaking tiwala kay Robredo, 18% ang may kakaunting tiwala habang 23% ang undecided.
Handang labanan ni Robredo ang mga umaatake sa kanya lalo na ang mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanyang pamilya.
Una nang itinanggi ng Bise Presidente ang ulat na nakipagpulong siya sa European Union sa pagbisita niya sa Germany para pabagsakin ang Administrasyong Duterte.
Facebook Comments