NAWALAN PA NGA NG BOTO | Pangulong Duterte, hindi nakinabang sa umano’y dayaan sa 2016 elections

Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacanang na hindi nakinabang si Pangulong Rodrigo Duterte lumabas na issue ng umano’y dayaan sa 2016 Elections.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, kung tatanungin ang mga supporters ni Pangulong Duterte ay naniniwala ang mga ito na nawalan pa nga ng boto ang Pangulo sa nakaraang halalan kaya naman malayo aniya ang Pangulo pa ang nakinabang sa sinasabing dayaan sa halalan.

Sinabi pa ni Roque na masaya na si Pangulong Duterte sa halos 6 na milyong laman nito sa pumangalawa sa kanya noong halalan na si dating Interior Secretary Mar Roxas.


Matatandaan na ibinunyag ni Senador Tito Sotto sa kanyang privilege speech na mayroong mga nakinabang sa umano’y dayaan sa nakaraang halalan kung saan mayroong nakitang transmission ng boto bago ang halalan.

Facebook Comments