NAWASAK DAHIL SA BAGYO | 2 patay, 71 nailigtas sa nawasak na bangka sa Tawi-Tawi

Tawi-Tawi – Patay ang dalawang tripulante habang nailigtas naman ang nasa 71 pa, matapos mawasak ang kanilang fishing boat sa karagatan ng Pamilikan Island sa munisipyo ng Mapun, Tawi-Tawi.

Sa ulat, agad nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang Philippine Navy matapos makumpirma na may fishing boat na nawasak.

Nang dumating ang mga rescuer sa lugar at patay na ang isa sa mga tripulantekung saan nang makarating ang mga biktima sa Mapun Pier ay binawian na rin ng buhay ang isa sa kanila.


Ang iba pang mga tripulante ay dinala naman sa Cagayan De Tawi-Tawi District Hospital at isinailalim sa medication at documentation.

Nabatid na nangingisda ang mga ito sa karagatan ng Mangseeh Island sa Palawan sa kasagsagan ng pagtama ng Bagyong Vinta nang hinampas sila ng malalakas na alon hanggang napunta sa Tawi-Tawi kung saan nawasak din ang kanilang fishing boat.

Facebook Comments