Nagagamit na ng mga mag-aaral nang walang kaba sa posibleng panganib ang silid-aralan sa San Agustin Elementary School sa San Fernando City, La Union.
Ang naturang classroom ay nasira noong kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Emong sa lalawigan na nagdulot ng malalakas na hangin at ulan dahilan upang itaas ang TCWS No. 4 sa lalawigan.
Isa rin ang paaralan sa binisita at pinuna ni PBBM sa kanyang pagbisita matapos ang bagyo.
Sa kasalukuyan, napapakinabangan na ng mga mag-aaral ang naturang silid.
Facebook Comments









