NAWAWALA | MIAA, iniimbestigahan na ang pagkawala ng isang babaeng Filipino-American sa NAIA terminal 1

Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang kaso ng pagkawala ng isang Septuagenarian Filipino-American matapos dumating sa Pilipinas galing Estados Unidos.

Ayon sa MIAA, sinusuri na nila ang kanilang mga CCTV footage sa NAIA-terminal 1 kung saan huling nakita ang 73-anyos na si Orvilla Ordinario Runas.

Si Runas ay napaulat na mayroong dementia at sumailalim sa ilang medical operations.


Sa inisyal na imbestigasyon, huling nakita si Runas na naglalakad palabas ng terminal Lunes ng hapon.

Sinabi ng kapatid nito na si Ador Ordinario, mag-isa na lamang si Runas sa Amerika matapos mamatay ang kanyang asawa.

Umaapela ngayon ang pamilya na agad ipagbigay-alam sa kanila maging sa mga awtoridad ang kinaroroonan ni Runas.

Facebook Comments