NAWAWALA | US Marine nawawala sa karagatang sakop ng Sulu

40

Isang US Marine ang nawawala sa karagatang sakop ng lalawigan ng Sulu ang lugar kung saan nag-ooperate ang Abu Sayyaf Group.

Batay sa inilabas na press release ng 13th Marine Expeditionary Unit, alas-9:40 ng gabi nitong nakalipas na araw ng Huwebes nang lumusong sa dagat mula sa kanilang sinasakyang barko ang US Marine sa karagatang sakop ng Sulu ang US Marine pero hindi na ito nakabalik pa.

Kabilang ito US marine sa 13th Marine Expeditionary Unit na sakay ng assault ship USS Essex na nagsasagawa routine operations sa Sulu.

Sa ngayon nagsanib pwersa na ang US Navy, US Marine at mga barko at aircraft ng Pilipinas para sa search and rescue operation.

Humiling naman ng dasal si Colonel Chandler Nelms, ang commanding officer ng 13th MEU para sa ikaliligtas ng nawawalang US Marine habang tiniyak sa pamilya ng US marine na ginagawa nila ang lahat para mahanap ito.

Facebook Comments