Nawawalanag bilibid inmate na si Michael Cataroja, hindi pa tiyak kung patay na o buhay pa

Lumabas sa pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety na hindi totoo o “fake news” ang impormasyong nakarating kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nahanap na ang labi ng preso na si Michael Cataroja sa septic tank ng new bilibid prison o NBP.

Paglilinaw ni Bureau of Corrections o BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., “missing” pa rin ang estado ni Cataroja dahil wala pa silang ebidensya kung ito ay buhay pa o patay na.

Ayon kay Catapang, kailangan pa nilang buksan ang lahat ng walo o siyam na septic tank sa NBP bilang bahagi ng paghahanap kay Cataroja.


Binanggit ni Catapang na sa paghahanap ay dinala sila ng isang K9 dog sa septic tank kung saan nakakuha sila ng brief at buto na pinag-aaralan pa ng forensic unit ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sabi ni Catapang kung talagang hindi nila makikita sa loob ng bilibid si Cataroja ay idedeklara nila itong nakatakas o AWOL.

Sa pagdinig ay naikwento naman ni BuCor Deputy Director Angelina Bautista na base pahayag ng mga inmates sa bilibid ay madalas nagtatago sa loob ng NBP si Cataroja upang matakasan ang mga naniningil ng utang sa kanya.

Facebook Comments