Nawawalang 17-anyos na estudyante, natagpuang patay sa Baguio

Manila, Philippines – Natagpuang patay na sa Baguio City ang isa pang binatilyo na anim na araw nang nawawala.

Kinilala ang biktima na si Vaughn Carl Dicang, 17-anyos, grade 12 student ng University of Baguio City Science High School.

Naagnas na ang bangkay ng binata nang makita ito sa Balabac creek kahapon.


Isinasailalim na sa otopsiya ang bangkay ng binatilyo habang inaalam na kung biktima ito ng holdup nawawala ang cellphone nito nang matagpuan.

Si Vaugn ang ikatlong binatilyong nawala at natagpuang patay sa loob lamang ng tatlong linggo.

Facebook Comments