Nawawalang 4-anyos babae, binantayan ng alagang aso sa loob ng 2 araw

17962
Stock photo

Isang 4-taon-gulang na babaeng nawala sa kakahuyan sa Alabama, US, ang natagpuang ligtas kasama ang alagang aso.

Halos 48 oras nawala si Vadie Sides bago tuluyang mahanap noong Biyernes, Marso 27, ayon sa ulat ng WRBL.


Batay sa awtoridad, nakalayo ang bata mula sa kanilang bakuran nang malingat sandali ang bantay niyang nasa 70 na ang edad.

Naglunsad ng search operation ang ilang daang volunteers at pulisya, na gumamit din ng drones at aso sa paghahanap.

Natagpuan si Vadie nang marinig ng awtoridad ang tahol ni Lucy na nadatnan nilang nasa tabi ng bata.

Photo via AP, hero dog

Bahagyang natakot ang aso nang dumagsa ang tao kaya tumakbo ito palayo, ngunit nakauwi rin mag-isa kalaunan.

Bukod sa mga tinamong gasgas sa braso at tuhod, mabuti naman umano ang lagay ng nasagip na bata.




Facebook Comments