Matapos ang halos magdamag na search and rescue operation ng mga awtoridad sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Bani, natagpuan na ang katawan ng isang kabataang una nang napaulat na inanod ng malakas na agos sa Busay Falls na wala ng buhay.
Ayon sa ulat, apat na kabataang lalaki ang naligo sa naturang talon matapos bumuhos ang malakas na ulan. Tatlo sa kanila ang agad na nasagip at nasa mabuting kalagayan na, habang isa ang hindi na pinalad na makaligtas.
Ang natagpuang biktima kahapon ay tubong Mabini, Pangasinan.
Patuloy naman ang mga awtoridad sa pagpapaalala tungkol sa kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa mga lokal ng mga dinarayong mga lugar upang makaiwas sa anumang sakuna. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









