Bigo pa rin ang mga awtoridad na matagpuan ang nawawalang Cessna plane na pinaniniwalaang bumagsak sa bahagi ng Isabela.
Tatlong linggo na ito mula nang mangyari ang insidente noong Enero 24.
Kahapon, apat na helicopter at dalawang Cessna plane na ang nagtulong-tulong sa paghahanap sa nawawalang eroplano.
Pero batay sa impormasyong natanggap ng Civil Aviation Authority of the Philippines mula sa Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center, wala pa ring natatagpuan na anumang bakas ng Cessna RPC 1174 ang rescue team.
Bago ito, bigong makalapag sa Maconacon Airport sa Isabela ang eroplano mula sa Cauayan Airport.
Sakay nito ang anim na katao kabilang ang piloto na dapat ay dadalo lang sa burol ng kanilang kamag-anak.
Facebook Comments