Nawawalang chopper sa Palawan, hindi pa rin matagpuan

Patuloy ang Search and Rescue (SAR) operations ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ng iba pang ahensya ng pamahalaan sa nawawalang medical evacuation aircraft sa Palawan.

Kaninang umaga, lumipad ang chopper ng Philippine Air Force (PAF) mula Puerto Princesa International Airport para tumulong sa search and rescue operations.

Ilan namang bangka ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nagsasagawa ng search and rescue operations sa karagatan na sakop ng ruta ng nawawalang chopper ng Philippine Adventist Medical Aviation Services (PAMAS).


Ang naturang medical evacuation aircraft ay nag-take off ng alas-7:30 ng umaga kahapon sa Brooke’s Point at nag-pick up ng pasyente sa Mangsee Island sa Balabac, Palawan.

Inaasahan sanang lalapag ang chopper ng alas-10:30 ng umaga sa Southern Palawan Provincial Hospital sa Brooke’s Point, Palawan subalit missing na ito.

Facebook Comments