Nawawalang eroplano sa Bataan, nakita na!

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na may nakitang sightings sa nawawalang single-type engine aircraft.

Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio may nakuhanang litrato ang kanilang team mula sa mapunong bahagi ng Bataan kahapon kung saan posibleng ito na ang nawawalang eroplano.

Nabatid na mula sa Subic airport pabalik na sana ito sa flying school sa may Plaridel, Bulacan nang biglang mawala nitong Lunes.


Lulan ng eroplano ang instructor pilot at ang student pilot.

Sinabi pa ni Apolonio na noong mawala ang eroplano nitong Lunes maayos at maaliwalas naman ang panahon.

Sa ngayon tuloy-tuloy ang ginagawang search and rescue operations ng CAAP at umaasang buhay pa ang 2 sakay nito na kapwa Indian nationals.

Facebook Comments