Nawawalang grade 12 student sa Baguio City, natagpuang patay sa isang ilog

Baguio City – Patay na nang matagpuan sa isang ilog sa Barangay Balacbac sa Baguio City ang isang 17-anyos na binatilyo na una nang napaulat na nawawala noong Biyernes.

Kinilala ng kanyang mga kaanak ang bangkay ni Vaughn Carl Dicang, grade 12 student sa Bagui Science High School.

Huli siyang nakitang buhay noong September 1.


Sinubukan pa siyang tawagan sa cellphone ng kanyang pamilya pero hindi na siya makontak.

Nakatakda namang isailalim sa autopsy ang labi ng binatilyo para malaman ang sanhi ng pagkamatay niya.

Facebook Comments