Nawawalang Kalabaw, Kinatay at Pinagpiyestahan sa Cagayan

33

Cauayan City, Isabela- Iniimbestigahan ng Iguig Police Station sa Cagayan ang hindi makatarungang pagkatay ng alagang Kalabaw ng isang residente sa Barangay Gammad sa bayan ng Iguig.

Pasado alas-10:40 ng umaga noong May 29, 2021 ng personal na dumulog sa pulisya si Severo Taguiam Jr., 66-anyos upang ipaalam ang pagkawala at ang maling pagkatay ng kanyang alagang kalabaw.


Noong May 26 dakong alas-4:00 ng hapon ng magpasyang itali ni Taguiam ang kanyang kalabaw sa kanilang maisan at kaagad rin na umuwi sa kanilang bahay.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, pasado alas-7:00 ng umaga noong May 27 ng bumalik sa maisan ang biktima subalit laking gulat nito na nawawala na pala ang kanyang kalabaw hanggang nagdesisyon silang suyurin ang lugar sa pag-aakalang nakawala lang ito sa pagkakatali.

Kinabukasan (May 28,2021) ng alas-3:00 ng hapon, nagtungo ang biktima sa ibang lugar kasama ang kaanak nito, dalawang (2) kilometro ang layo mula sa kanyang maisan upang ipagpatuloy ang paghahanap nang tumambad sa kanila ang nakatay na kanyang alagang kalabaw.

Dahil sa insidente, tumambad sa kanila ang nakahiwalay ng ulo sa katawan ng kalabaw, dalawang (2) paa maging ang laman-loob kanyang alaga ay iniwan rin sa lugar ng hindi pa matukoy na suspek.



Nabatid na ipinagdiriwang sa araw na ‘yon ang Patronal Fiesta sa kanilang lugar.


Facebook Comments