NAWAWALANG MANGINGISDA SA BANI, PATULOY NA HINAHANAP

Patuloy na hinahanap ang isang mangingisda sa Sitio Olanen, Brgy. Dacap Sur, Bani, Pangasinan matapos hindi makauwi mula sa pagpalaot noong madaling araw ng Nobyembre 24, 2025.

Umalis umano ang mangingisda na si Charlie Balmonte Rivera sakay ng kanyang motorized boat ngunit hindi na nakabalik hanggang sa kasalukuyan.

Ayon sa kaniyang asawa, huling nakita si Charlie nakasuot ng sky blue na pantaas at jogging pants.

Panawagan naman ng ilang kaanak ang pag-aproba sa mungkahing deployment ng helicopter para mapabilis ang paghahanap.

Samantala, tumulong na rin sa paghahanap ang Coast Guard Substation Bolinao at ilang mga residente sa lugar gamit ang kani-kanilang mga bangka.

Hinihikayat ng mga awtoridad ang publiko na agad magbigay ng impormasyon kung makita o mamataan si Rivera.

Maaaring makipag-ugnayan sa Bani Municipal Police Station sa 0998-598-5097 o sa pamilya sa 0947-648-9692. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments