Nawawalang Principal Sa Lalawigan Ng Sorsogon Natagpuan Na

29

SORSOGON- 14 araw matapos mawala si Christian Delos Angeles. Bangkay na ito ng matagpuan kagabi na halos hindi na ito makilala ng kanyang mga kapamilya. Mga dakong alas nueve kagabi pinuntahan na ng mga otoridad ang area ng Sitio Gabao, Brgy San Roque, Bacon Sorsogon City, matapos kumanta ang menor de edad na suspetsado.Matatandaan na Mayo 2 ng umalis ito sa kanilang bahay sakay ng kanyang honda wave motorcycle, kulay red and white na may plate number na 5384 ET. Kagabi kinumpirma ng mga otoridad na bangkay nga ni Christian ang natagpuan kaya naman personal itong pinuntahan ng news team at duon na nga tumambad ang bangkay ng isang lalaking halos sunog na dahilan sa nabilad na ito sa araw ng ilang araw at nasa state of advance discomposition na.Sinasabing sinundo ng biktima ang dalawang menor de edad sa may macabog at duon pumunta sa bacon area. Tinatayang nasa 16 to 17 anyos ang dalawang suspetsado na sa ngayon ay patuloy na iniimbistigahan. Samantala, wala ng laman ang bag ng biktima at chop chop na ang motorsiklo na ginawa pang service ng mga suspetsado na siyang naging dahilan sa pagkakahuli sa mga ito.WOW SMILE RADIO 107.3/ RMN- SORSOGON

Facebook Comments