Nawawalang Pulis, Natagpuang Palutang-lutang sa Ilog

Cauayan City, Isabela- Natagpuang palutang-lutang sa ilog ang katawan ng isang pulis sa bahagi ng brgy. Cabugao, Aglipay, Quirino.

Nakilala ang biktima na si Dexter Altre, 42 taong gulang, may-asawa, kasapi ng Maddela Police Station at resiente ng Brgy. Buenavista, Maddela, Quirino.

Una rito, agad na iniulat ni brgy. Captain Frederick Galam ng Cabugao, Aglipay sa himpilan ng pulisya ang natanggap na impormasyon mula sa kabarangay na si Bernard Biagan kaugnay sa nakitang palutang-lutang nakatawan ng isang lalaki habang nangunguha ng damo sa tabing-ilog ng Addalam river.


Agad na nakipag-ugnayan ang PNP Maddela sa SOCO team ng Cabarroguis upang beripikahin ang natanggap na ulat kung siya rin ang napaulat na ‘missing’ sa kanilang hanay simula pa noong December 29, 2020.

Nang marekober ang katawan ng biktima, kinilala mismo ng anak nito na si Denver Altre na siya ang kanyang tatay.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa hindi inaasahang sinapit ng kanilang kasama.

Facebook Comments