NAWAWALANG SALESLADY SA NAGUILIAN, LA UNION, NATAGPUANG PATAY SA ISANG BAKANTENG LOTE

Bangkay na nang matagpuan sa isang bakanteng lote sa Barangay San Isidro, Naguilian, La Union ang isang saleslady matapos ang ilang araw na paghahanap.

Huling nakita ang biktima noong Enero 30, 2026, habang naglalakad mula sa kanilang tahanan patungo sa pinagtatrabahuhang establisyemento sa Brgy. Ortiz.

Gayunman, hindi umano nakapag-report sa trabaho ang biktima sa araw na iyon.

Natagpuan ang bangkay nitong umaga ng Pebrero 2 ng isang residente na magpapastol sana ng kalabaw sa lugar.

Bloated at nangingitim na ang katawan ng biktima, at nasa advanced state of decomposition.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakapulupot sa leeg nito ang ID lace at strap ng bag.

Intact ang suot ng biktima at hindi umano ginahasa, ngunit nawawala ang cellphone na maaaring maging mahalagang ebidensya sa kaso.
Isinailalim sa autopsy ang biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad.

Facebook Comments