Nawawalang tripulanteng sakay ng lumubog na MT Terra Nova, natagpuan na

Natagpuan na ang nawawalang tripulante ng lumubog na MT Terra Nova sa karagatan ng Limay, Bataan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), wala nang buhay ang second mate na nawawalang crew nang makita ito ng BRP Melchora Aquino.

Samantala, tatlong dineploy na ng PCG ang tatlong barko para sa oil spill response operation sa Bataan.


Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan, maglalagay na ng oil dispersants upang maiwasan ang malawakang pagtagas ng langis habang inihahanda ang siphoning.

Target ng PCG na matapos sa loob ng pitong araw ang siphoning o paghigop ng langis sa lumubog na barko.

Nasa 34 na metro lamang ang lalim ng pinag-lubugan ng barko kaya’t inaasahang magiging madali lang ang proseso upang maprotektahan ang mga karagatan ng Bataan at Manila Bay.

Kanina, sinabi ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na malaki ang tyansang umabot sa baybayin ng Maynila ang oil spill sakaling tumagas ang 1.4 million liters ng langis mula sa lumubog na MT Terra Nova.

Facebook Comments