Nazareno 2023, hindi magiging “superspreader” event ayon sa stakeholders nito

Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Maynila at ng pamunuan ng simbahan ng Quiapo na hindi magiging superspreader event ang Kapistahan ng Itim na Nazareno.

Sa media briefing kanina, sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na tatlo lamang ang kailangang gawin para maiwasan ang hawaan ng COVID-19 sa Walk of Faith at iba pang aktibidad ng naturang pista.

Ito ay ang pagsusuot ng facemask, social distancing at paghuhugas ng kamay.


Mamamahagi rin ng facemask sa mga taong dadalo sa pagdiriwang.

Sinabi naman ni Nazareno 2023 adviser Alex Irasga, hindi naman superspreader event ang kanilang aktibidad at sa halip ito ay spreader of faith.

Samantala, maglalabas naman ang Manila LGU ng executive order para sa liquor ban, bukod pa sa deklarasyon na walang pasok sa araw ng pista.

Ayon kay Lacuna, inaasahang epektibo ang liquour ban sa January 7 hanggang 9 at papatawan din ng parusa ang mga lalabag dito.

Facebook Comments