NBA | 17-game win streak ng Houston Rockets, tinuldukan ng Toronto Raptors

NBA | Tinapos ng Toronto ang pinakamahabang winning run sa NBA.

Tinalo kasi ng Raptors ang Houston, 108-105 para wakasan ang 17 win streak ng Rockets.

Pero hindi naging madali ang panalo ng Toronto dahil bumangon ang Houston mula 19-point deficit sa 4th quarter sa pangunguna ni James Harden.


Umiskor ng team-high 30 points si Kyle Lowry para sa Raptors.

Puwede pa sanang maitabla ni Harden ang laro pero nagmintis ang kaniyang three-pointer sa buzzer.

Nasayang ang 40-point performance ni Harden para sa Houston.

Facebook Comments