NBA 1st overall pick Markelle Fultz – hindi makakalaro sa NBA summer league dahil sa injury

NBA – Hindi muna makakalaro si NBA 1st Overall Pick Markelle Fultz sa NBA summer league dahil sa natamo nitong left ankle injury noong Sabado.

Ayon sa Philadelphia 76ers – aabot nang isa hanggang dalawang linggo bago makalaro ulit si Fultz.

Sinabi naman ng basketbolista sa kanyang twitter account na maayos na siya at walang dapat problemahin.


Ito na ang huling bagay na gustong makita ng Sixers matapos ma-injured ang rising stars nila na sina Joel Embid at Ben Simmons.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments