NBA | 2 player ng Houston Rockets, suspendido ng 2 laro

NBA – Agad pinatawan ng parusa ng NBA sina Houston Rockets’ Forward Trevor Ariza at guard Gerald Green dahil sa pagtangka nilang pasukin ang locker room ng Los Angeles Clippers noong Lunes.

Matatandaang nagkainitan ang dalawang koponan hanggang matapos ang laro at umabot pa ito sa labas ng hardcourt.

Sentro ng bangayan ng dalawang koponan sina Austin Rivers ng Clippers at sina Ariza at Chris Paul ng Rockets.


Wala naman parusang ipinataw kina Paul, James Harden at Blake Griffin ng Clippers kahit nasa kasama sila nina Ariza at Green nang maganap ang murahan malapit sa locker room ng Los Angeles.

Facebook Comments