NBA | 2nd game ng Cavaliers vs. Warriors, inaabangan na

NBA – Inaabangan na ng NBA fans ang ikalawang pagtutuos ng three-time finals rival na Cleveland Cavaliers at Golden State Warriors.

Ayon kay Cavs Coach Tyronne Lue – handa na ang kanyang koponan para muling labanan ang defending champion.

Abala na rin sa pag-eensayo si Lebron James habang excited na ang Boston-traded player na si Isaiah Thomas na maging parte ng nasabing laban.


Kahit nagpapahinga pa rin mula sa kanyang injury, positibo si Thomas na makakalaro na siya at makababawi ng panalo ang Cavaliers.

December 25 nito lang nakaraang taon nang padapain ng Warriors ang Cavs, 99-92.

Nananatili pa rin sa top spot ng western conference finals ang Warriors na may 35-9 win loss record habang 3rd spot naman sa Eastern ang Cavs bitbit ang 26-16 win loss record.

Facebook Comments